Litratong Pinoy#43 Paboritong Alahas(Favorite Jewelry)

>> 3/18/2009

Kung ang ibang tao hindi pwdeng umalis ng bahay na hindi puno ng alahas ang katawan, ako naman ay puwedeng relo lang ang suot. Minsan, nakakalimutan ko pa. Kung nakakapagsuot naman, eto ang lagi kong suot. Regalo sa akin ng aming kompanya para sa sampung taon serbisyo.

Transmittal:
If some people cannot go out of the house without wearing a lot of jewelries, wearing a watch is good enough for me. I even sometimes forget to wear one but when I do, this is the watch I usually wear. A gift from our company after 10 years of service.



Ang kuwintas na ito ay mahalaga sa akin dahil na rin sa kanyang pinanggalingan. Miminsan ko lang itong gamitin dahil sa takot kong baka mawala.

Transmittal:
This necklace is precious to me because of where it has come from. I do not use it often as I am afraid of losing it.

12 comments:

lino March 19, 2009 10:18 AM  

nice jewelries... happy huwebes...:)

Rico March 19, 2009 11:39 AM  

Mabuti pa ang kumpanyo nyo nagbibigay ng ganyan. Dito kaya sa amin? Hmmmm... Parang wala pa akong narinig. Maligayang LP!

Buge March 19, 2009 1:08 PM  

Ako naman walang kumpanya kaya walang magbibigay sa kin ng ganyan. Haha! Ang ganda-ganda nung angel pendant!!! :D

thess March 19, 2009 4:47 PM  

Okay ang kumpanya nyo ha, may pahalaga sa empleado! Curious tuloy ako kung saan galing yung pendat :)

happy LP! ;)

Gmirage March 19, 2009 7:43 PM  

kanino galing ang pendat=?

ang kompanya ko nga di ako pinapasweldo lol...

fortuitous faery March 19, 2009 11:09 PM  

yup, importante ang relo!

nice necklace!

meeya March 20, 2009 1:41 AM  

ako hindi na umabot sa loyalty gift ng ex-company ko. kung siguro namimigay sila ng ganyang relo, baka nagtyaga na ako, haha! happy lp! :)

Linnor March 20, 2009 7:16 AM  

mabuti at may mga kumpanya pa na nagre-recognize ng loyalty ng empleyado. :) buti rin at meron pang empleyado na nakakaabot sa loyalty award. :) very generous ang company nyo.

HiPnCooLMoMMa March 20, 2009 8:59 AM  

nakakatuwa naman ang kumpanya nyo, namimigay ng relos.

napaka intricate naman nung pendant

http://hipncoolmomma.com/2009/03/19/paboritong-alahas-42nd-litratong-pinoy/

ces March 20, 2009 9:49 AM  

totoo, maski ang hindi mahilig sa alahas ang relo laging suot kasi kailangan e!:)

cal March 20, 2009 9:50 AM  

oonga nakakatuwa naman ang mga ganyang kumpanya. alahass kung mamigay ng regalo.

korky March 23, 2009 7:30 PM  

yan ba ang equivalent ng P10,000 kung 10 taon ka nang naglilingkod sa gobyerno? hehe

  © Blogger templates Palm by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP